yagit
Dito sa isang sulok nakatambay ako habang tangan tangan ko ang piraso ng balat na kendi na isang linggo ko nang kinikipkip sa bulsa ng pantalon kong butas butas. Mabilis ang galaw ng mundo kahit na nga wala namang pinagiba ito sa mundong nakita ko kahapon. At habang abala ako sa pag pitik sa balat ng kending hawak hawak ko ay walang humpay rin ang pagtakbo ng isip ko na tila ba nakikipagkumpentsya sa bilang ng saksayang kumakaripas ng takbo sa harapan ko. At nang napasulyap ako sa mga katabi kong bagay na wala namang buhay naisip ko na sa kabila ng lahat ng kalungkutang nadarama ko may mga bagay parin palang naghihimutok rin kagaya ko.
Sa aking kanan, ay ang basurahang puno ng bagay na wala ng halaga sa mga taong minsang humawak at nagmay ari sa mga ito, punit punit na papel, balat ng kendi at kung anu anu pa at minsan pa nga alaala ng nakalipas na memorabilia ng unang pag ibig na natapos nalang sa mapait na paghihiwalay o di kaya ay larawan ng minsan nagging maligayang pag iibigan. Walang humpay ang pagkakapuno ng basurahang iyon at hindi ko malilimutan ang minsan na kahit ako ay nagtapon rin doon ng malungkot kong nakaraan mula sa nakaraang kong mahirap ding ipaliwanag. Habang minamasdan ko ang katabing ipunan ng mga walang halagang bagay ay sinalanta ako ng animoy nakikipag usap na basurahan at ibinubulong sa aking mainit na tainga ang kanyang hinaing na dulot ng kanyang trabaho dito sa mundong ibabaw. Tinig na nagsasabing kay hirap saluhin ng mga patapong bagay na kanyang ibinabahay lalu nat ang mga ito ay pinagsawaan na at wala ng gamit pa sa buhay ngunit ang pinakamasakit ay ang sipa na natamo mula sa isang binatang nagtapon ng kupas na larawan na may nakangiting mukha niya at nang nooy importanteng babae sa kanyang buhay, at kaakibat ng bawat salitang aking narining ay luhang pumapatak buhat sa imahinasyon ng nagwiwikang basurahan. Ang akala ko hindi iyon nangyayari sa tunay na buhay na ang mga lalaki pala ay may karapatan ding masaktan sa kabila ng ipinapakita nitong katikasan. Habang patuloy sa pag agos ng salita ay dinaluyan naman ng alaala ang aking isipan, ang bawat makukulay na sandali ng lumipas kong pag ibig na nag udyok sa akin upang itungo ang aking muka at sariwain ang mas masasayang alaala ng kahapon. Walang kahirap hirap ay para akong nagpatianod sa baha ng sarili kong kalungkutan. Hinihintay kong tumigil ang kanyang bawat sambit upang kahit paano ay maipreno ko rin ang aking nagsusumbong na emosyon.
At nang manahimik ang tinig na iyon, ay napalingon naman ako sa aking kaliwa, isang pares nang sirang tsinelas ang pumukaw sa aking paningin. Kulay asul at kulay puti ang bumubuong kaanyuan nito, bagamat litaw parin ang pagkakulay asul nito ay nanlilimahid naman ang putik na dumikit sa puting bahagi nito, nagpapahiwatig nang mapuputik at mahihirap na daan na dinaanan nang tsinelas na ito, bagamat likas na wa class isuot ang mga tsinelas sa paa lalu na kung sa sosyalan ang tungo ng mga lakwatserang paa, madalas ang uring ito ng pampaa ang pinaka madalas na inuuwian ng mga pagod at naghihimutok na paa dahilan upang masulit ang halagang ipinambayad sa saplot na ito lalu na kung ang tatak pa nito ay “havaianas”. Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin sa tsinelas na suot ko, kahit simple lang ito ay napaka kumportable ko namang gamitin ito sa aking pang araw araw na lakad at walang dudang di nya ako iniiwan sa bawat yapak ko. Laking pasasalamat ko at natagpuan ko ang tamang tsinelas na umaayon sa mga paa kong parang daw bangka sa laki. Habang abala ako sa pagmamasid sa tsinelas kong halos ilang taon naring sinasaplutan ang aking mga paa ay nakarinig nanaman ako ng tinig, siguradong galing ito sa tsinelas ko hindi ko nga lamang malaman kung boses ba ito ng naglalambing o boses ng nagtatampo. Habang unti unting sinasalysay ang hirap nang ginagampanang tungkulin ay tumatak sa aking isipan ang mga linyang nagtatanung kung naging masaya ba ang panahong aming pinagsamahan at matapos yun ay sinundan ng pagpahiwatig nang makabukuhang parte ng buhay ko na akoy dinamayan niya, naalala niya nang minsan ay muntikan kong ipagpalit kay kamatayan ang buhay ko at halos hindi ako makapaniwala ng minsan ay ipinagpalit ko rin ang aking paniniwala na natutupad talaga ang mga pangarap at paulit ulit akong tinakid ng tsinelas kong napaginitan ko rin noong oras na yun, marahil kung hindi ako tinakid nun eh malamang wala pa rin ako sa ulirat sa mga sandaling knukwento ko ito sayo ngayon. Kahit nga ang una kong karanasan sa pagibig ay nagging katuwang ko ang gusgusin kong tsinelas na kahit na ilang ulit kong uniyak nang dahil sa pagkakamali ay ni hindi ako iniwanan ng tsinelas kong sumalo rin ng luha mula sa aking mga mata. At ng matapos ang paghihimutok ng tsinelas ko hindi ko maipaliwanag ngunit tila ba akoy napangiti naramdaman kong kahit tsinelas lang ang meron ako ay higit pa akong mayaman kaysa sa mga taong dumadaan sa harapan ko.
Habang abala akong nagninilay sa mga narinig ko ay naramdaman ko na ang mainit kong luha sa aking nanlilimahid na pisngi. Ramdam ko ang biglang pagkagulat mula sa tunog ng barya na nagshoot sa latang nasa paanan ko, mula sa pagkakatungo ay tinanaw ko ang latang yun na hindi kalayuan sa aking mga paa at mayroon na itong laman na tumatangingting na tatlong piso. Anak ng demonyo, napagkamalan akong yagit sa aking kinauupuan, akala siguro nang bawat dumaraan ay isa akong sawing bata na napagiwanan na ng mga kalaro sa lansangan, sa suot kong itim na pantaas at butas na butas na pantalon at tsinelas na halos naglalaho na ang kulay marahil nga ay nagmistula akong yagit sa kaanyuan ng aking pananamit. Lalu kong naramdaman ang kinahantungan ng buhay ko, makalipas ang taon na akoy nanatiling tambay at tiniis ang pangungutya ng kapalaran sa mahirap kong buhay, oo nga marahil akoy isang yagit ngunit hindi ito sapat na katwiran upang isipin ng mga tao sa aking paligid na akoy pulubing nagmamakaawa sa kanilang yaman. Minsan ngay mas maswerte pa ang tulad kong walang kwarta, tahimik ang buhay at mas may pakinabang pa.
Tumayo akong nagiisa at handing iwan ang latang mas kaylangan pa ng tunay na taong kalye, sae dad kong bente uno, marunong naman akong magbasa at magsulat at kaya kong magsumikap upang maging isang may halagang indibwal at tulad din ng basaruhan at tsinelas na naghimutok sa akin ay kaya ko rin tumupad sa tungkulin ko sa aking sarili na abutin ang aking binuong pangarap ng may buong sigla at pagsusumikap. At mula sa oras na iyon hinding hindi ko na muli pang isusuko ang sarili ko sa mga bagay na walang kahihinatnan, sisikapin kong mahalin muli ang mundong minsan kong ipinagsawalang bahala.