Sentiments

hope of a dying heart…

sampung utos ng walang kwentang kaibigan

Filed under: Uncategorized — sunatnight at 10:23 pm on Sunday, May 20, 2007

bago ko simulan ang aking isusulat nais ko muna bigyang puri ang naging inspiration ko sa muling pagsabuhay ng aking kamaylan sa pagsulat, dati na akong disipolo ng mamahaling ballpoint o pangakaraniwang pen, ngunit sa kasawiang plad ay pinanawan ako ng pag asa dahil sa simpleng rason, mabilis kong malimot ang ideya kapag pumasok ito sa malikot kong isipan at di ko manlang nasagip sa aking papel. Salamat kay BOB ONG kahit papano may kamalyan na ko muli at magana na muling sumulat.

karaniwan sa mga sinusulat ko ay sinasalaysay ko sa wikang ingles, mas madali para sa akin ang magsulat ng ingles at mas nasanay na ko roon, kalimitan ko rin sinisipat ang mga bagay bagay na nararamdaman ko sa partikular na tao, o emosyon na karaniwan kong gingawa kapag may gana akong magsulat,bihira lang akong sumulat ng may kinalaman sa grupo o di kaya tungkol sa tradisyonal filipino.

at sing limit ng pagdaan ng magtataho sa amin kung magbasa ako ng dyaryo, wala rin sa bokabularyo ko ang maging wide reader, hinde ako fan ng mga kung ano anong  babasahin liban sa mga libro sa tingin ko ay weird. TAMA, weird. Bihira nga akong makatapos ng libro kung kaya’t di ako gaanong naiimpluwensyahan ng paniniwalang mula sa aklat. at kung anu man ang paniniwala ko eto ay base mula sa mga kalokohang nagaganap sa paligid ko buhat sa mga taong dating may koneksyon sa buhay ko,
at mistula ring sing init ng panahon ang hagupit nito sa akin, pilit ko mang isunod sa nakakarami ang paniniwala ko ay naglilihis ito sa landas na totoong ako.

di n ako magpapaligoy ligoy pa mayroon akong dalawang bagay na nais kong isambulat sa aking sulatin,  una ay upang ipakilala ang iba’t iba uri ng pagkatao na nagkaroon ako at ikalawa ay para sabihin na sa lipunan ay wala kang ibang kaibigan kundi ang iyong sarili.

bilang isang mamamayan ng pilipinas, hindi ako showbiz, meaning, i don’t like too much attention, but i was limited to certain things that caught people’s attention.
sabi sayo mas sanay ako sa ingles,
maaring sa paraan ng pagintindi ko sa iba’t ibang uri ng character na nakapaklibot sa akin mula sa mga wlang saysay na paniniwala ng klasmates ko hangang sa pangako ng maga mamumuno ng bayan, hinde kasi sila ka panipaniwala sa pananaw ko. dahil sa mga tulad ko na mahilig gawin lang ang trip nagmimistulang alien ako sa sarili kong mundo, nagkakaron ng ibang pananaw na humhantong sa kawalan ng pakialam sa nakakarami at mistulang may sariling prinsipyo na hindi lantad sa iba.
Maaring my ayaw sa lantarang kaibahan ng ugali ko at di ko naman kelangang mamilit ng iba para gustuhin ito,
nag simula ang pagiging walang pakialam ko ng
marealize ko na lahat pala ng tao ay sinungaling… oo as in LAHAT! wala naman kasing tao na aamin ng totoo kung ikapapahamak niya o ng mahal niya, at kung meron man baliw na siya malamang.
sa uri ng lipunan na meron tayo naglipana ang tanga, nagtatanga tangahan at ang matalinong tanga, meron ding mangagamit, traydor, manloloko, makasarili, insecure at at yung simple pero malakas ang dating yung mga WALANG PAKIALAM. Lahat sila nakilala ko ng lubusan at lahat ayon sa naging kung ano ako sa kanila minsan sa buhay ko, at binago ang pagkatao ko nang bawat isa sa mga uri na nabanggit ko. Isa isahin natin.

minsan na akong naging tanga, yung tipong tanga tlaga dahil sa kakulangan sa kaalaman, madalas dahil na in dahil sa pagiging limitado sa labas ng mundong kinagisnan ko, madalas na akong nag tanga tangahan para makaiwas sa nakakalitong pakana ng mundong ito karaniwan itong ginagawa ng taong ayaw matalo at takot sa rejection. Napatunayan ko ito ng halos sunod sunod na mapatunayan kong kaya kong gawin ang isang bagay pero ayaw ko lang gawin. At naging isa na rin sa expertise ko ang pagiging matalinong tanga, dahil ilang ulit ko ng pinalampas ang pagkakataon sumagot sa recitation kahit alam ko na ang sagot. Matalinong mahina parin ang loob at lumaking mangmang sa paninigin ng iba, sa pagkakataong ito nagsisimula ng maghimutok ang isip ko, sadya bang madaya lang ako o naduduwag sa katotohanan.

naging magagamit rin ako, at di ko naman ikinahihiya yun dahil kung hindi ako na punta roon baka wala rito ako ngayon, wala pa man akong napaptunayan sapat ng malamang ko pwede akong mangamit ng iba kung gugustuhin at kakayanin ng konxenxa, dahil para ka narin pumatay kapg kinonnnsensys ka ng sarili mo sa pangagamit mo, at syempre pa kaya gugustuhin mong manira ng iba dahil una insecure ka at pangalawa alam mong di mo magagawa ang nagagawa nya, totoo yan dahil nangaling narin ako jan, limitado nga lang nagyon dahil mas mature at mas marami na akong alam kesa sa kanila, napagalaman ko rin namang wala rin saysay ang pagiging insecure ko sa kanila dahil lalo na akong magmumukang kawawang inutil na umiiyak sa madamot niyang kapalaran.hindi ko kinailangan mang agaw ng kasintahan upang maging traydor akong kaibigan sapat ng dahilan ang ipinagdamot ko and dapat sana’y meron siya, hindi nya napakinabangan ang pakikipagkaibigan ko sa kanya dahil hindi ko siya nagustuhan, wala siyang kahit anong ugali ng kaibigang hinahanap ko at dahil dun ganun narin lang kababaw sa akin ang dahilang kaibigan ko lang siya at kung kaya’t akala niya totoo ako sa kanya, ang totoo ni anino ko ay hidi sumusunod sa kanya at bestfriend lang ako sa salita at sulat niya.
at hinding hindi ko rin mabilang sa mga daliri ko kung ilan na ba ang nakadaupang palad ko na manloloko, kaya siguro naging manloloko rin ako kaya naman ngayon di ko na kailangan ng lie detector test para malaman ko kung niloloko ako ng taong kaharap ko, isang mataimtimang ligo lang ang katapat nyan sabay tulog.

at ang nagwagi sa lahat yung pagiging wqlang pakialam ko sa lipunang ginagalawan ko dahil sa simpleng pananaw.  Magbago ka man o hindi kahit maging sino ka man walang makikialam sa iyo sa eksaktong paniniwala na ayaw mo rin na pakialaman ka.
kaya naman di na ako ngadalawang isip na maging tahimik habang pinagmamasdan ang katarantaduhan ng iba. ngunit sa aminin natin o hinde isa itong nakakatakot na ugali na maaring makamit ng isang walang hiyang  tao, dahil sa pagiging walang pakialam marami ang nawawalan ng gana gumawa ng tama at humikayat ng kasiglahan sa buhay at sa paraang ito rin babagsak ang kung anu mang kulturang ang dapat sanay meron ka ngunit binura mo sa alaala mo.

Totoong wala akong pakialam dahil na rin sa paguudyok ng kaibigang si satanas, na walang ginawa kundi guluhin ang tahimik ko naman sanang buhay.Ayaw ko sana ngunit wala na kong ibang mapaglibangan…

ang ikalawang yugto

iilan lang ang nangangarap ng pagbabago, iilan lang ang hindi takot harapin ang kung anu mang sakit na maaring igapos sa iyo ng pipiliin mong pagbabago,at isa ako roon sa mga minsan ay kinabog ng takot na baka hindi ko magustuhan ang pagbabago.

lumipas ang ilang buwan

sa hudyat ng mapanirang kaluluwa ng kaibigangitinuring ko lang sa papel, nagmistulang fireworks display ang paghingi sa aking ng kamay ng pagbabago. na ang sira ulo kong kaibigan ay patawan ko ng kamtayang parusa ng ilaglag niya ako sa bayanihan na dapat sanay pinagtutulungan namin

iisa lang naman ang dahilan kung bakit nagkaganun eh

dahil lang sa WALANG PAKIALAM ANG HUDAS KONG KAIBIGAN

sa kung kaninong buhay ang masisira nya basta lang umangat siya sa lipunan, sabagay hindi ako nagulat dahil sa anung sama ng itsura niya siya ring sama ng ugali niya.
at dahil nga wala siyang pakialam siya pa ang may ganang magalit sa nanahimik kong pagkatao. at habang inuunti unti niya ang natitira kong pasensya, ay iniipon ko rin ang dahilan upang tangapin ko ang kinatatakutan kong pagbabago…

pinagtibay lamang niya ang unang impresyon ko na kahit kailan ay hindi kami maaring magsama bilang makaibigan o magkumare, o kahit mag kaklase, dahil hinding hindi bagay ang tulad niya sa mga tulad kong walang pakialam ngunit may pakisama. dapat nga yata ay siya ang maghangad ng pagbabago at hindi ako.

pinilit kong makisama sa taong asa paligid ko at makalipas ang ilang taon nalaman kong wala pala silang kwenta sa oras na kailangan mo sila, na ikaw pa pala ang wlang kwenta sa kabila ng lahat ng sinubukan mong gawin at patunayan para sa kanila.
>
maari akong maging balimbing pero kahit kailan hindi mo na ako mapapaniwalang makaibigan tayo, mas tatangapin ko pa na magkaiba tayo ng lebel kesa sabihing mabuti kang kaibigan.<

(Makalipas ang ilang linggo napakabilis niyang binaligtad ang kwento na tila ba ako pa ang dumungis sa walang kwenta niyang pangalan)

hindi rin naman alintana sa akin kung may masisira pa sa pagkatao ko sapagkat wala akong pakialam masabi ko lang ang dapat kong sabihin,

Sampung utos para maging walang kwentang kaibigan.

1.una sa lahat hindi ko ipinagkatiwala sa yo ang pinaghirapan ko para lang gayahin mo
(malamang postura kang nagpepresent habang sa kabila ng lahat ay niloloko mo ang kritiko mo tinulad mo pa ang ippresent namen at wala kang originality at lalu na dahil hindi ka marunong humingi ng permiso!)

2.Wala kang karapatan manlait dahil ikaw mismo dumi ka ng sarili mong pagkatao.
(oo nga prangka ka kung kaya wala kang pakialam sa iba, pero iba ang totoo sa sarili sa makatiwirang manlalait, kung ayaw mo sa kin mas ayaw ko sa yo!)

3.Sira ulo ka ba?
(o siguro mas tamang itanong ko na sira ulo ba sila at mas gusto pa nilang makipagplastikan sa garapal mong ugali)

4.wag ka nga magmagaling hindi ka Diyos!
(o bat iiyak iyak ka jan dahil ba binigyan ka ng mapait na katotohanan na di mo kaya isalba ang sarili mo ng wala ang tulong na iba, yan kase atribida ka masyado feeling mo magaling ka parati.MASYADO KASING PAEPAL EH!)

5.magdamot ka pa, pagdadamutan rin kita
(hindi ka ba tinuruan ng magulang mo mag share masyado ka atang naging makasarili… hmmm! bad yan)

6.kaya yata lahat galit sayo masyado ka kasing mapagmataas
(baka maputulan ka ng paa niyan di ka kasi marunong magpakababa. HABULIN KA SANA NG BUBUYOG!)

7.kung gusto mo maging kakaiba at sikat gumawa ka ng sariling mundo mo!
(pwede ba wag mo nga ipagsisikan ang mga tagilid mong pananaw sa suggestion box puro makasarili ang ideya mo mas mabuti pa ikaw nalang mag isa ang gumawa ng gusto mo!)

8.hindi ako treaten mawala k man o hindi!
(baka ikatuwa ko pa kung ipatapon ka ng titser natin sa IRAQ!)

9.bawal ang tsismosa at nagkakalat ng maling tsismis
(mas mabuti sigurong naging columnist ka nalang sa tabloid)

10.matapang pa sa leon tisudin mo iiyak iyak naman.
(tama wag ka nalang mag aswa baka kasi iwanan ka rin ng mister mo pag natuklasan niyang mas masama pa ugali mo kesa sa kanya!)

>>>ang tamaan Pikon<<<

ganito ako magsulat wala akong pakialam sa emosyong masasagasaan ko dahil ito lang ang tanging paraan na alam kong totoo ako, at wala akong kailangang ihingi ng paumanhin dahil hindi ako pumunit ng kahit na anong pangarap ng iba.



No Comments »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>