MU
I saw a girl and a boy
Sweet sila at holding hands to the max
may pa smile smile pa sila
akala mo sila na
pero yun pala MU lang
Bakit nga ba pinagpipilitan pa
ang maging masaya
sa mga bagay na wala namang kasiguraduhan
ktulad ng kasiyahang nabibitin naman,
at relasyong wala naman sa lugar
at kapag minalas malas ka pa at
nalaman mong mahal mo na pala siya
habang siya ayaw ng commitment
paano ka nagyon, isa ka ng loser…
ang punto lang eh
kaya mo bang paninidigang hindi kayo
kapag iba na ang nararamdaman mo?
at ang masakit pa makakaya mo bang
kimkimin lahat ng sakit
kapag nakita na niya yunh hinihintay niya
at iniwan ka nalang bigla
Sabi nga
"If you don’t want to cry
then play the rules"
pero shempre sa isang laro
may panalo, may talo
may naloko at nanloko
pero iba naman ang niloko sa nagpaloko
kung sa commitment talo ang naloko
sa MU pareho kayong talo
Dahil sa pinasok nyong walang narating
at sa tsismisan, hinde pa nawawala
yung denial, mahal mo nga
dinedeny mo pa, dahil nga MU lang kayo
at dahil minsan naisip mong
lumayo muna para makaiwas sa tsismis
lalu namang naghihinala ang iba
sa totoong namamagitan sa inyo
Wala ka tuloy malugaran,
kapag nagpatuloy ka pa sa kanya
lalu kang maiinlab kapag naman umiwas ka
kawawa ka parin
Ang MU madalas itinuturing na
pampalipas oras o pandagfag experience
pwedeng laro, pwedeng kwento
yun nga lang madalas sad ang ending
At sa lahat na ata ng biro ito na ang
pinkamahina ang probability na magkatotoo
buti pa nga yung commitment
may pupuntahan, either for life or goodbye
pero ang MU wlang katiyakan
pwedeng mag survive, pwedeng hinde
pero kalimitan hanggang dream na lang
swerte mo nalang kung maisip
ng ka MU mo na totohanin ang lahat
dahil feel ka rin naman maging for real
ang kwento nyo…
Kaya kung makikipag MU ka
tiyakin mo munag di ka iiyak
dahil hindi uubra dyan ang puro iyak lang
dahil basta nasapul ka ni kupido
Patay kang bata ka!!!